Anti Hate Crime Bill Pinirmahan na ni USA President Biden

joe biden signing anti asian hate crime bill

President Joe Biden Signing Anti Hate Crime Bill – ctto: Nicholas Kamma

Anti asian hate crime bill Pinirmahan na ni US President Joe Biden

Sa kabila ng pandemya, dumaranas ng tinatawag na hate crimes ang mga tao na tiga Asia sa amerika, ito marahil ay epekto ng Pagkalat ng sakit na Covid19 mula sa China na isang bansa sa Asia. Dinagdagan at Pinalala pa ito ng magkomento ang dating Presidente ng amerika na si Donald trump na kung san ay sinabi nya sa kanyang mga talumpati:

“Wuhan. Wuhan was catching on, coronavirus, kung flu.”

Binansagan nya dito na “Kung Flu” ang mga tao sa pinanggalingan ng naturang sakit na kung saan ay alam ng lahat na china ang sikat pagdating sa salitang kung fu na katunog ng katagang binangit nya na “Kung Flu”.

“I could give you many, many names. Some people call it the Chinese flu, the China flu, they call it the China.”

At dito naman ay dinerekta na nya ang Bansa na Pinagmulan ng Sakit, dahil dito lalong nag init ang mga kaso ng asian hate crimes sa amerika.

Hanggang sa ngayon ay laganap pa rin ang Asian Hate Crimes sa bansang Amerika.

Agad naman nagpanukala ng batas ang mga namumuno sa amerika at sa ngayon nga ay naipasa na ito sa kabila ng dami ng kumokontra sa batas na ito.

Sa kasalukuyan Pinirmahan na ng Presidente ng Amerika na si Joe Biden ngayong May 20, 2021 ang Batas na Lalaban sa mga Hate Crimes na nangyayari ngayong Covid19 Pandemic.

Pinagtitibay ng naturang batas ang Pagpapabuti ng Hate Crimes Reporting, Availbility ng Crime Reports sa local at state levels sa pamamagitan ng pinaghusay na public outreach at accesibility ng mahusay na komunikasyon sa autoridad at mga biktima sa paggamit ng lengguwahe na naaakma sa mga taong nauugnay.

Pinagtitibay din nito ang pagpapabilis ng pagpoproseso ng mga kaso sa Department of Justice ng amerika sa pamamagitan ng pagtatalaga ng dedicated na tao na tututok sa kaso ng hate crime.

Don’t Forget to Like & Follow our Facebook Page and Youtube Channel! Thank you…

CLICK HERE TO LIKE OUR FACEBOOK PAGE

CLICK HERE TO SUBSCRIBE TO OUR YOUTUBE CHANNEL:

khaikoolit khai koolit kylle nathaniel mendoza kyllie nicole mendoza youtube channel

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *