PARA SA ORDINARYONG MAMAMAYAN!

Balangiga Bells ibabalik na sa Pilipinas — US Embassy

Balangiga Bells ibabalik na sa Pilipinas ayon sa US Embassy
Photo modified via GMANEws/Inquirer
Nakatakda na umanong ibalik ng Estados Unidos sa Pilipinas ang kinuhang Balangiga Bells noong panahon ng Philippine-American War.

Sa pahayag ng US Embassy sa Maynila, sinabi nito na ipinagbigay-alam na umano ni US Secretary of Defense Jim Mattis sa Kongreso ang nasabing plano.

Pero sa ngayon umano ay hindi pa tukoy ang petsa ng pagbabalik ng naturang mga kampana.

“We are aware that the Bells of Balangiga have deep significance for a number of people, both in the United States and in the Philippines,” saad ng embahada.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang pamahalaan ng Pilipinas hinggil dito.

Matatandaang sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong 2017, iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng Balangiga Bells sa mga Pilipino.

Matapos nito, kinumpirma naman ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na may mga paraan nang ginagawa ang Washington para maibalik sa Maynila ang Balangiga bells.

Noong 1901 nang paslangin ng mga sundalong Amerikano ang libu-libong mga Pilipino sa bayan ng Balangiga, Eastern Samar bilang ganti sa pagkamatay ng 48 nilang mga kasamahan sa kamay ng mga rebolusyonaryo.

Kasunod nito, kanilang kinuha ang mga kampana ng simbahan sa bayan bilang “war trophy.”

Sa kasalukuyan ay nasa Warren Air Force Base sa Wyoming ang dalawa sa mga kampana, habang ang isa ay naging bahagi naman ng travelling museum. (Reuters)
Balangiga Bells ibabalik na sa Pilipinas — US Embassy Balangiga Bells ibabalik na sa Pilipinas — US Embassy Reviewed by Bayan Ko on Sunday, August 12, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.