PARA SA ORDINARYONG MAMAMAYAN!

Isnatser sa Pedro Gil nagulpi ng taumbayan, knockout ang inabot


MAYNILA — Bugbog sarado ang inabot ng isang lalaki na umano'y isnatser sa Pedro Gil St., matapos kuyugin ng taumbayan sa lugar, habang nakatakas naman ang isa pang kasama nito.

Makikita sa viral video na kuha ng isang netizen ang kaguluhan sa loob ng pampasaherong jeepney, at isa-isang nagsibabaan ang mga pasahero kasama ang nakorner na isnatser.


Pagkababa ng lalaki, agad itong pinaulanan ng suntok ng taumbayan ng malamang isa umano itong isnatser.

Nakilala ang lalaking nagulpi na si Rey Mendoza.

Ayon sa report ng pulisya, naglalakad umano ang biktimang babae nang biglang dinukotan ng suspek, pero lingid sa kaalaman ni Mendoza, nakita na pala siya ng taumbayan.

Panoorin ang video:





Napag-alaman rin na barya ang sinikwat nito mula sa biktima.

Kalaunan ay duguan at napahiga na lang ang nasabing isnatser matapos ang pambu-bugbog sa kanya.


Habang wala namang balak na maghain ng pormal na reklamo ang biktima, maririnig rin sa video na barya lang umano ang nakuha mula sa kanya ng mga suspek.
Isnatser sa Pedro Gil nagulpi ng taumbayan, knockout ang inabot Isnatser sa Pedro Gil nagulpi ng taumbayan, knockout ang inabot Reviewed by Bayan Ko on Thursday, September 27, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.