PARA SA ORDINARYONG MAMAMAYAN!

Lalaking nanghipo sa dibdib ng isang babae, kinuyog ng taumbayan

Kinuyog ng taumbayan sa Davao City
Naabutan ng mga pulis ang suspek na nakahiga na sa kalsada at nakagapos ang kamay matapos na kuyugin. Hinipuan umano ng suspek sa dibdib ang isang babae sa Davao City. /ABS-CBN

DAVAO CITY – Kinuyog ang isang lalaking nanghipo umano ng dibdib ng babae sa J.P. Laurel Avenue sa lungsod na ito, Sabado ng madaling araw.

Dinala muna sa ospital ang suspek na si alyas Ian na naabutan ng mga pulis na nakahiga sa kalsada at may sugat sa ulo.

Positibong itinuro naman ng biktima si Ian na nanghipo sa kaniya sa tapat ng isang restaurant sa naturang lugar.

Kakasuhan ang suspek ng acts of lasciviousness.

Source: Abs-Cbn
Lalaking nanghipo sa dibdib ng isang babae, kinuyog ng taumbayan Lalaking nanghipo sa dibdib ng isang babae, kinuyog ng taumbayan Reviewed by Bayan Ko on Tuesday, September 04, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.