PARA SA ORDINARYONG MAMAMAYAN!

'SAP Bong Go, the man behind the success of PRRD' - Asec. Uson


Ibinahagi ni Assistant Secretary Mocha Uson ang naging buhay ni Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go, bilang kanang kamay ni President Rodrigo Duterte.

Ibinahagi rin niya ang pagiging matulungin nito noong nasa Davao City palang.

May sagot rin siya sa mga tumawag na 'epal si SAP Bong Go' at sa mga opurtunista umaaligid sa kanyang pagiging malapit sa mga ordinaryong Pilipino.

Basahin ang kanyang kabuuang mensahe:



"Bago pa po lumutang ang mga panawagan na siya ay tumakbo sa Senado ay kilala ko na po siya.

Paulit ulit ko nga po sinasabi dito sa MUB na ako po loyal lamang sa taumbayan at kay Pangulong Duterte wala ng iba.


Ngunit sinasabi ko po ito, ay ang ibig din sabihin ay akin din pong tinutukoy na si SAP Bong Go.

Dahil po ang tingin ko kay SAP Bong Go ay hindi lamang isang kaibigan at kasangga ngunit kaisa siya ni Tatay Digong.


Siya talaga ang alter ego ni Tatay. Siya talaga ang kaisa isang nakakuha ng ugali ni Tatay Digong.

Sabi ko nga po madami sa mga nakapaligid sa Pangulo ay sumanib nalang nung nanalo na siyang Pangulo.

Ngunit si SAP BONG GO simula’t sapol nandiyan na po yan. Siya lang ang nakakuha ng ugali ni Tatay- sipag, tiyaga, malasakit at pagmamahal sa ordinaryong Pilipino.

Hindi ko po sinasabi ito dahil ako ay nangangampanya sa kanya ngunit sinasabi ko ito dahil ako mismo alam ko po yan.

Madami na po akong nailapit sa kanya at natulungan niya at hindi niya po gusto ang mga publicity.


Eh, bakit ang daming lumalabas na tila ang dating ay ka-epalan? Maaring tanong niyo po yan. Kasi po ang dahilan lang po niyan ay madami naman talagang sumisipsip sa kanya dahil alam niyang siya ang kanang kamay ni Tatay.

At sumasablay ito dahil hindi naman talaga kapakanan ni SAP BONG GO ang iniisip nila kung hindi ang makasipsip lang. 'Yan po ang totoo.


At dahil na rin sa dami ng ginagawa ni SAP BONG GO ay hindi na niya ito maisa isang sitahin. Kasi nga po ay dahil sobrang busy po niya. Grabeh po ang mga text messages sa kanya, libo libo talaga kada araw. At sinusubukan niyang sagutin ito lahat.

Sinasabi ko po ito hindi para siraan ang mga nangangampanya sa kanya. Madami pong magagaling at talagang concern sa kanya ngunit meron naman talagang mga opurtunista tao nangangampanya sa kanya.


Hindi po ito maiiwasan. Gayunpaman, SAP BONG GO is SAP BONG GO, he is the man behind the success of PRRD.

Sabi nga nila kaya daw po ako tinatarget ng kalaban dahil ako daw po ang pinaka loyal supporter ni PRRD. Hindi po totoo yan. Si SAP BONG GO po ang pinaka tapat na kawal ng ating Pangulo.

At yung mga nakikita niyo po ngayon na ginagawa niya ay hindi lang niya ngayon ginagawa yan. Matagal na po niyang ugaling tumulong. Naandun palang sila ni Tatay sa Davao ay ugali na niya yan.

Kahit itanung niyo po sa mga taga DAVAO. Tulad nga po ng aking sinabi ang TRAPOE ay yung mga taong ngayon lang ginagawa ang mga bagay na hindi naman nila ginagawa dati at sa harap pa ng kamera.

Kaya hindi po yan si SAP BONG GO. Dahil noon pa man ugali na niya ang tumulong. Panuorin po niyo po ang video at dito niyo makikilala pa si SAP BONG GO. Sana po ay atin din itong i-share."

Source: Mocha Uson Blog
'SAP Bong Go, the man behind the success of PRRD' - Asec. Uson 'SAP Bong Go, the man behind the success of PRRD' - Asec. Uson Reviewed by Bayan Ko on Saturday, September 29, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.