PARA SA ORDINARYONG MAMAMAYAN!

Siga sa kalsada, humarorot ng takbo ng dumaan ang convoy ng mga sundalo


Viral ngayon ang isang lalaki na animo'y nagsiga-sigahan sa isang bahagi ng kalsada.

Tila naubusan ng bayag ang hindi pa nakilalang lalaki matapos makatagpo ng katapat sa kanyang kaangasan.


Nagwawala at pinaghahampas ang dala nitong malaking bakal na tubo habang patuloy na naghahamon ng away sa mga dumadaan na mga sasakyan at sa mga tao sa paligid.



Makikita sa video na napaatras na lang pabalik sa dinaanan ang isang traysikel na may sakay pang mga bata.


Sakto namang napadaan ang convoy ng mga sundalo at sinita ito, pero imbes na tumugon ay humarorot ito sa pagtakbo papalayo sa lugar.


Makikita rin na kinasahan ito ng armas ng mga sundalo at pilit na pinapatigil.

Bahagyang nagkaroon ng traffic sa lugar dahil sa nangyari.


Aabot na sa halos isang milyong views ang video at umani ito ng samot-saring reaksyon mula sa mga netizen.

Sa ngayon, ay wala pang update kung nahuli na ang lalaki sa video matapos itong maipost sa social media ni Ranie Chuidian.
Siga sa kalsada, humarorot ng takbo ng dumaan ang convoy ng mga sundalo Siga sa kalsada, humarorot ng takbo ng dumaan ang convoy ng mga sundalo Reviewed by Bayan Ko on Wednesday, September 26, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.