PARA SA ORDINARYONG MAMAMAYAN!

Driver hinuli kahit nasa tamang loading area, 'ano ba kailangan niyo, P500?'


Umalma ang isang UV-Express drayber ng biglang harangin ng Makati Traffic Enforcers habang pinapasakay ang mga pasaherong nag-aabang sa tamang loading area.

Aktong nirekord ng isang concerned na pasahero ang pangyayari bilang ebidensya at pagsuporta sa hinuling drayber.

TRAFFIC ENFORCERS — MAKATI CITY

Sa lahat ng siyudad ng Manila, mas kilala ang Makati City dahil sa napakaraming traffic ordinance at istriktong pagpapatupad ng mga polisiya nito. Maging ang mga traffic enforcer sa lugar ay walang sinasantong mga motorista, ma-simple at maliit mang violation.


Habang malaking tulong ito sa pag-disiplina ng mga drayber, kadalasan namang sanhi nito ang pagtatalo ng mga motorista at ng traffic enforcers.


VIRAL VIDEO

Sa video-post ng mismong drayber sa social media, makikita ang pagpara at paghingi ng lisensya ng Makati Traffic Enforcers sa kanya, dahil umano'y lumabag  ito sa 'No Loading/Unloading Zone'.


Umangal ang nasabing drayber at iginiit nitong nasa tamang loading area siya nagsakay ng mga pasahero.

Imbes na pakinggan ang kanyang panig ay inutusan itong umabante hanggang sa umabot sila sa 'illegal zone', saka pinagpilitan ng mga enforcers na lumabag ito sa batas trapiko.

PANOORIN ANG VIDEO:



MGA PASAHERONG SAKSI

Sinuportahan naman ng mga pasahero ang pag-depensa ng drayber laban sa mga humuling traffic enforcer, habang kinuhanan ng video ang pangyayari.



Anila'y nasa tamang loading zone sila at imbes na mag-signal umano para paalisin ang drayber kung ito'y bawal ay sinadya ng mga enforcers ang makasakay muna sila bago hulihin.

Dagdag pa sa babeng pasahero, laking abala ito sa kanilang oras kung kaya't tanong niya kung ano talaga ang pakay ng mga ito, — 'ano ba kailangan niyo, P500?'
Driver hinuli kahit nasa tamang loading area, 'ano ba kailangan niyo, P500?' Driver hinuli kahit nasa tamang loading area, 'ano ba kailangan niyo, P500?' Reviewed by Bayan Ko on Thursday, October 18, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.