PARA SA ORDINARYONG MAMAMAYAN!

Trillanes deadma sa ‘inciting to sedition’ case, hindi sumipot sa Preliminary Investigation


Hindi sumipot kahapon si Sen. Antonio Trillanes IV sa Preliminary Investigation (PI) sa Pasay City Prosecutor Office sa kaso nitong inciting to sedition at Article 136 o ang proposal to commit coup ‘d etat na isinampa ni Department of Labor Employment (DOLE) Undersecretary Jacinto Paras.


Dakong ala-1:30 ng hapon nang dumating si Paras kasama ang kanyang abogadong si Eligio Mallari at si Manuelito Luna, commissioner ng Anti-Corruption Commission sa tanggapan  ni Assistant City Prosecutor Reynaldo Ticyado.

Sinabi ni Ticyado na naghain ng karagdagang araw ang kampo ni Trillanes para sagutin ang complaint laban dito.


Binigyan ni Ticyado ng pitong araw ang kampo ni Trillanes para ihain ang kanilang counter affidavit na itinakda sa darating na Oktubre 25.


Si Trillanes ay sinampahan ng kasong sedition ni Paras noong Sept. 14, 2018 matapos umano nitong hikayatin sa kanyang panayam sa media na mag-aklas ang mga sundalo laban kay Pangulong Duterte.


"I would be the last person who would want anybody to be hurt para sa kapakanan ko. Dapat ako ang unang nasasaktan,” nakaraang mensahe ni Trillanes.

Source: PhilStar
Trillanes deadma sa ‘inciting to sedition’ case, hindi sumipot sa Preliminary Investigation Trillanes deadma sa ‘inciting to sedition’ case, hindi sumipot sa Preliminary Investigation Reviewed by Bayan Ko on Friday, October 19, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.