PARA SA ORDINARYONG MAMAMAYAN!

Robin Padilla Expresses His Concern If Filipino Subjects Are Removed


The issue of removing the Filipino subject in college curriculums here in the Philippines has been a hot topic for the last few days. Apparently, it is proposed that Filipino subject will be removed since the purpose of K-12 education is to eliminate the basic subjects during college.

Not everyone is happy about the decision of the Supreme Court, one of them is actor and known crusader of truth and injustice in social media, Robin Padilla.

Individuality


Padilla emphasized that the Filipino language is very important to be possessed by every Filipino because this is who we are as an individual. It is something that should be treasured and everyone should be proud of.

"Ang wika ay hindi lang basta wika ito ay ang iyong pagkatao. Ang ating sariling literature ay isang kayamanan."

Speaking multiple languages is ok


He also added that he is not against anyone who wishes to study and speak many languages. He even stated National Heroes Jose Rizal and Andres Bonifacio because they spoke several languages, but they never forgot to be proud of their own.

"Hindi ako laban na mag aral tayo ng ibang wika pero para maging alipin tayo ng dayuhan sa sarili kong bayan no f@!#$ way!"

"Hindi ako kontra na magaral ng ibang wika katulad ni Jose Rizal at Andres Binifacio pero hindi dahilan ito para patayin ang sariling atin,"

Read his post here:



Kung ito ay magaganap dito na magkakawatak watak ang mga Anak ng Inangbayan! Noong panahon ni Nanay Cory ang naging biktima ng kanyang Rebolusyon ay ang wikang espaƄol natin ng 300 daan na taon at pinalitan ng wikang inglis! Ngayon sa panahon ng Rebolusyon ni Tatay Digong ay sarili na nating wika. Iniisip ko tuloy ang mga nabasa kong mga liham at mga sulat ng mga ilustrado at katipunero patungkol sa mga ganitong pamamaraan ng mga dayuhang mananakop. Hinuhubog tayo para intindihin ang mga dayuhan pupunta sa ating Bansa para mas lalo natin silang maintindihan sa kanilang magiging pamamaraan lalo sa kanilang mga iuutos sa atin. Ito ay matanda ng istilo ng mga Tyrants! Ipagkait ang kultura, tradisyon at wika ng mga lokal upang makalimutan nila kung sino sila para mas madaling maimpluwensiyahan ng kanilang ibig na isaksak sa ating mga utak at pag uugali pati ang itsura nila at kulay ng kanilang balat! Gawain ito ng mga bansang mananakop hanggang sa kasalukuyan kaya silay patuloy na naghahari. Ako ay solid sa Duterte Adminsitration pero sa araw na ito ang Katipunan ay NAGLULUKSA! Ako ay Mula sa lahi ng mga Lakan ng Tondo, Ako ay Hubog kay Lapu Lapu at ang aking hinihinga ay hangin mula sa kalayaang inihandog sa akin ng katipunan. Kailanman hindi ako magiging alipin ng kahit na sinong dayuhan sa sarili kong Bayan..... hinding hindi mangyayari na tutulugan ito. Ang PILIPINAS ay para sa PILIPINO! Wika ko! Kultura ko! Tradisyon ko! Hindi ako pabrika ng mga alipin na inihahanda para iexport sa mayayaman na bansa! at ang mga lokal sa Inangbayan ay maging mangmang kung sino sya. Ang ating watawat ay nasa kalahati lamang ng kanyang pagwagayway sapagkat ang namatay sa oras na ito ay ang ating sariling wika. Ang sariling atin. @ricardopenson @omengq



Source: Instagram
Robin Padilla Expresses His Concern If Filipino Subjects Are Removed Robin Padilla Expresses His Concern If Filipino Subjects Are Removed Reviewed by Sammie on Saturday, November 17, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.